how would you know you're watching a pinoy film?
Posted by eye_spy | Posted on 7:53 AM
im not really fond of watching pinoy flicks lately but i find this email very funny...
1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.
2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.
3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.
4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.
5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).
9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”
10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.
11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.
12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”
13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.
15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.
16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.
17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

dont you love pinoy movies?
but somehow, nawawala na din ang ganitong mga eksena dahil nag iimprove na ang mga pinoy movies esp ang mga indie movies at yung gawa ng star cinema.
i guess movie outfits have realized that pinoy movie goers are more intelligent than what they thought